Makabayan

Pilipinas noon at ngayon ay ibang-iba na nga naman ang Pilipinas. Sabi nga nila sa Noli Me Tangere parang si Sisa na baliw daw ang Pilipinas, dahil lahat ng bagay bagay dito ay halu-halo. Mula sa ating mga pagkain, pananamit, salitang ginagamit, hanggang sa disenyo ng mga ibat-ibang istroktura tulad ng mga bahay, ospital, gusali, atbp… Tunay nga na ang Pilipinas ay halu-halo ng ibat-ibang kultura, pero mula sa ating pagtanggap ng ibang kultura ay naaalala pa kaya natin ang tunay na sariling atin.

Dahil sa pag dayo ng ibat-ibang lahi sa ating bansa at unti-unti natin nalalaman ang tungkol sa kanilang kultura, ay unti-unti rin natin binubuhay ang tinatawag na kolonyalismo. Ang kolonyalismo ang pagbigay ng mas malaking importansya sa mga bagay na dayo sa atin, kesa sa mga bagay na sariling atin. Isang magandang halimbawa nalang nito ang ating pagkain. Hindi lamang sa mga pagkaing ating kinakain, pero pati narin sa ating mga ginagawa pag kumakain. Dahil dito, ay nag-isip ako ng 6 na paraan upang unti-unti ay matanggal natin ang ating pagiging kolonyalismo. at mas magipakita natin ang ating pagiging makabayan.

kamay

Image Source: http://tenminutes.ph/wp-content/uploads/2014/06/kinamot.jpg

1. Kamayan

Kamayan, ang pagkain ng hindi gumagamit ng anumang kubyertos, at ang gagamitin lamang ang inyong mga kamay. Makatutulong ito sa pag tanggal ng kolonyalismo dahil ito naman talaga ang paraan natin ng pagkain bago dumating ang mga kastila at ipinakilala saatin ang ideya ng kutsara at tinidor. Ang mga Pilipino ay kilala na mahilig kumain, at sabi nga ng marami ay masarap kumain pag nagkakamay. Ang akto ng pagkakamay ay isang bagay na hindi dapat kalimutan dahil bago pa ang lahat ay dito tayo nagsimula, at ito ang ating tunay na paraan ng pagkain at hindi naman ang paggamit ng kubyertos.

untitled

Image Source: http://www.thefilipinokitchen.com/Boodle-fight.jpg

2. Dahon ng saging

Ang dahon ng saging, sa maraming parte ng Pilipinas, ay ginagamit parin bilang lalagyan ng pagkain, o plato. Sa isang boodle fight, mayroong isang mahabang lamesa na tatakpan ng malalaking dahon ng saging, at sa gitna nito, may isang mahabang linya ng pagkain. Mula rito ay makikita natin kung papaano ginagamit bilang plato ang dahon ng saging. Sa isang boodle fight, ito ay nagsisilbi bilang plato ng mga tao, at sapin ng lamesa upang hindi ito madumihan. Bukod dito, mas maganda na gumamit ng dahon ng saging bilang plato dahil madali itong linisin. Pagkatapos kumain ang mga tao ay itatapon na lamang ito sa basurahan at tapos na ang pag ligpit. Hindi lang makatitipid ng kuryente ang tao, pero pati sa oras at enerhiya dahil madali ito linisin. Ang saging pa naman ang pang apat na pinaka malaking commodity sa ating bansa, at dahil dito, hindi na mahihirpan ang ating bansa na makakuha nito.

StuffedSAL_logo1

Image Source: http://thatsenuff.com/wp-content/uploads/2012/04/StuffedSAL_logo1.png

3.SOG-BU (Busog)

Ano nga ba ang pinaka Pilipinong pagkain? Sa sobrang daming ibat-ibang klase ng lutong Pilipino, ay walang mapiling “National dish” ang ating bansa. Kapag tinanong kung ano ang ating pambansang pagkain, ay ibat-iba ang maririnig na sagot. Maririnig madalas ang mga pagkaing, lechon, adobo, sinigang, kare-kare, taho, atbp… Lahat ito ay mga pagkaing madalas naihahain sa mesa ng mga pamilyang Pilipino, pero ni isa ay walang kasiguraduhan kung alin ang talagang ating “National dish”. Sa ideyang ito, dapat nga naman talaga ay bigyan halaga natin ang mga pagkaing Pilipino. Hindi lang ito masasabing masarap, pero sari-sari pa ang mga pagpipilian ng mga tao. Isa pa, ay ang mga sangkap para lutuin ang mga putaheng ito ay madaling mabili sa halos lahat ng palengke, kaya madaling madali ito lutuin. Napakasarap ng mga lutong Pilipino, at ang lasa nito ay talagang kakaiba, kung kayat mas lalo dapat natin ito pagbigyan halaga kumpara sa mga pagkaing dayo sa ating bansa.

panlasang pinoy

Image Source: http://2.bp.blogspot.com/-h_CICWQ767U/Ue60lL4hIbI/AAAAAAAAC0I/1G5X06GXepE/s1600/panlasang+pinoy.JPG

4. All RICE

Mayroong dahilan kung bakit nakahiwalay ang kanina mula sa mga pagkain, dahil kakaiba ang pangangailangan ng mga Pilipino sa kanin. Ang isang ulam ay masasabing may kulang na kapares kapag wala itong kasamang kanin. Tila ay hindi nabubusog ng tuluyan ang mga Pilipino kapag ulam lang ang kanilang kinakain, at hinahanap hanap na ng kanilang tiyan ang kanin. Madalas pa nga ay maririnig na sinasabi ng mga Pilipino ay “Mas masarap yan kung may kanin” o “kulang ang lasa kasi walang kanin”. Hindi talaga masasabing kumpleto ang isang handaan kapag walang kasamang kanin. Sa sobrang pagkamahal ng mga Pilipino sa kanin, ay pati ang iilang pagkain  ay tinatawag na “kakanin” kahit na wala naman talaga itong kasamang kanin/bigas sa pagluto nito. Iilan lang sa mga ito ang puto, kutsinta, pichi pichi, atb… Bukod dito, ay marami din paraan ng pagluto ng bigas bukod sa pag pares nito sa ulam. Ito ay tinatawag parin kakanin, at ilang halimbawa nito ang suman, puto, biko, atbp… Talaga nga naman hindi mawawala sa panlasa ng mga Pinoy ang lasa ng kanin kahit nga naman wala itong lasa mag-sa.

Palengke

 

Image Source: http://bulatlat.com/main/wp-content/uploads/2011/04/Palengke.jpg

5. Palengke

Palengke, o mas kilala sa ingles na wet market. Madalas sa isang palengke ay dito na makikita ang lahat ng pangangailangang sangkap sa isang putahe. Mayroong nagbebenta ng mga gulay, prutas, karne, isda, kakanin, bigas, atbp… Ang dahilan kung bakit madalas sa palengke bumibili ang mga tao ay isa, dahil madalas ay sigurado sila na sariwa ang mga paninda rito, pangalawa, mas-mura ang mga bilihin dito hindi tulad sa mga grocery, at ikatlo, ay ito na ang nakasanayan. Ang palengke kasi ay madalas ang bagsakan ng mga ibat-ibang karne at isda pagkagaling sa pier, kung kayat sigurado ka na sariwa ang mga bilihin rito. Mura naman ito kumpara sa grocery dahil hindi tulad sa grocery ay hindi na ito nakalagay sa kung saan saang lalagyan. Kapag ikaw ay nakapili na kung gaano karami ang iyong gustong bilhin, ay hihiwain na ito at ipapasok nalang sa supot. Bukod pa rito ay mayroong tinatawag na pagiging “suki” sa isang tindera. Ito ay kapag bilabalik balikan mo ang isang tindera lagi, at kayo ay magkakilala na kung kayat ay binibigyan ka na niya minsan ng “discount” o may libreng bag/gamit ka mula sakanya sa pasko. Ang palengke sa totoo lang ay hindi maganda tingnan, at hindi rin maganda ang amoy rito. Pero masasabi kong ito ay Pilipinong Pilipino dahil maraming bagay na sa palengke mo lang puwedeng gawin na hindi magagawa sa isang grocery store, at bukod sa pag hingi ng tawad sa mga pagkain, ay nakabubuo ka ng magandang relasyon kasama ang iyong mga tindero/tindera na nagpapakita ng likas na pagiging mapagmahal ng mga Pilipino.

G00003

Image Source: http://static.squarespace.com/static/5411d80ae4b02fc94fefce4a/5457e7a5e4b06c364300fd00/5457e901e4b06c3643013042/1291127341000/G00003.jpg?format=original

6. Salu-Salo

Ang pagkain ng salu-salo ay sa tingin ko ay isa sa pinaka mahalagang bagay sa pagiging Pilipino. Isa na sa kadahilanan na mahilig kumain ang mga Pilipino, pero ang pagkain ng salu-salo o sabay sabay ang nagbibigay ng tunay na pilipinong kaugalian dito. Kapag kumakain ang isang tao, o ang mga Pilipino ay may nakita silang kaibigan, kakilala, kamag anak, o minsan kahit taong naka-usap lang bigla dahil sila ay kumakain, ay sasabihin nila na “kain ho” o “kain tayo”. Lagi ay aalukin ka ng isang Pilipino na maki sabay na kumain kasama niya. Kaya ito talaga ang naisip ko na pinaka mag-papatanggal ng pagiging kolonyalismo ng mga Pilipino. Isa pang dahilan ay ang “close family ties” o ang pagiging malapit ng mga pamilyang Pilipino sa isat-isa. Kapag kumakain ang isang pamilyang Pilipino ay kailangan sabay-sabay sila kumain. Sa setting ng isang Pilipinong bahay ay madalas makikita mo ang nanay na nagagalit na sa katatawag sa kanyang mga anak na kumain na, o ang paulit ulit na pagsigaw ng nanay at mga anak sa isat-isa dahil nasa ikalawang palapag pa ng bahay ang kanyang mga anak. Minsan pa ay uutusan ni nanay si bunso na tawagin na ang kanyang mga kapatid, dahil siya ang unang nasa mesa atbp… Tunay nga na Pilipino Pilipino ang pagkain ng Salu-Salo dahil dito ay makikita talaga natin ang mga Pinoy na values” na madalas ay hindi makikita mula sa ibang kultura.

Ang pagkakaroon ng ugaling kolonyalismo ay hindi naman isang masamang bagay, ay sa tingin ko ay hindi naman talaga ito matatanggal ng tuluyan anuman ang gawin natin. Importante lang na wag natin kalimutan ang mga bagay/gawain na likas sa ating kultura, o wag natin mas bigyan ng kahalagahan ang kultura ng mga dayo. Napaka ganda at sari-sari ang kulturang Pilipino, at ito ay talagang tunay na atin. Bukod sa lahat, dito tayo nagsimula, bago pa man dumating ang ibang lahi. Dapat natin ito pahalagahan at bigyan ng higit na importansya dahil ito ay likas lamang sa ating bansa at ang ating kultura ay hindi na mawawala sa ating dugo, kung kayat dapat ay palawakin pa natin ito, at ipakita sa lahat kung gaano kasaya at kaganda ang kulturang Pilipino. Magagawa lang natin ito kung tayo ay magsisimula sa ating sarili bago maipasa sa iba.

Sources:

http://tenminutes.ph/is-eating-with-bare-hands-barbaric-why-do-filipinos-love-to-do-it/

http://preparetoserve.com/philippines/spanish-influence-on-the-philippines/

http://www.sunstar.com.ph/bacolod/lifestyle/2013/08/24/boodle-fight-299450

http://media.humnet.ucla.edu/courses/filipino/Liwanag_at_Dilim_-_Pagkain/Ibat_Ibang_Lutuin_ng_Pilipinas.html

http://ireport.cnn.com/docs/DOC-627809

http://wowbatangas.com/features/food-and-dining/usapang-kakanin/

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/reading_lessons/LESSONS/buhay_ng_mga_tindero.htm

http://www.interaksyon.com/lifestyle/ninja-mama-eat-healthy-the-joys-of-supermarket-and-palengke-shopping

http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/102010004

Leave a comment